Home » Filipino Quotes » Tagalog Love Quotes 2011-2012 Bong Ong

Tagalog Love Quotes 2011-2012 Bong Ong

1. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

2. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. “

3. ” Alam mo ba kung gaaNo kalayo ang Pagitan ng dalawang Tao pag nagtalikuran Sila??
- Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN MO.”

4. “Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso…

Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal..”

5. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

6. “Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

7. “Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

8. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

9. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

10. “Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din..”

11. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

12. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.”

13. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

14. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

15. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

16. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

17. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

-BOB ONG

What's on your mind?